Malaking tinik ang nabunot sa kin ngayon. I need to breathe things out so badly na hindi ko na mahintay yung PC sa bahay at ako'y nagrent na lang sa labas (sa mga hindi nakakaalam, si papa ay nahumaling na sa starcraft kaya sinasamsam niya ngayon ang aking pc. grr... hogger.).
Tumawag ako sa BSU ngayon. Sabi nila, I don't need to pay for my existing balance ngayong summer. Masaya ako kasi kahit na hindi nacredit yung subjects ko, at least hindi ko na poproblemahin yung 3725 na bayarin. Hay... Yun nga lang, kailangan kong ulitin yung mga subject ko. Haay... Di bale na.
Nasa PC perfect ako ngayon. Kasalukuyang may ginagawa ang aking pinakamamahal na Mark Dominic Guballa para matanggap as shop assisstant. May three days na rin siyang nag-aabang kung ano ba ang resulta ng work niya dito. Sana naman magbunga ng maganda. Sa awa ni Lord, maging favorable sana sa kanya yung result kahit pano.